Listen/Download: FILIPINO Guided Meditation for accepting emotions, pain, joy
Listen/Download: FILIPINO Guided Meditation for accepting emotions, pain, joy

Listen/Download: FILIPINO Guided Meditation for accepting emotions, pain, joy

My second recording of a guided meditation in Filipino.  (Here’s the first one : Listen/download FREE: Guided meditation intro in Filipino)

If the first one was an introduction on how to sit and be quiet, this one is about recognizing your emotions, honoring them, and accepting them as friends and teachers.

It’s a beautiful technique for growing in self-love that I read about from Chris Gosso who, in turn, translated it from Thich Nhat Hanh.

For any Filipinos/Filipino speakers who want to start meditating and want to listen to it in the Philippine language. Meditation is for everyone though, so here’s an effort to bring the practice to people more comfortable in the Filipino language 🙂

  • Made especially for newbies, communities, NGOs, social enterprises, charities, and other similar groups based in the country
  • Can be used in meetings, team buildings, nightly or morning rituals, or at any time needed

Please do share with anyone who you think might find it useful 🙂 If you want to get hold of the words and lead your own Filipino meditation, please see the text below.

Enjoy and if you have any feedback, I’d love to hear it. Hoping to do more of these soon so I can have more content and goodness to share in my Guided Meditations page ♥

Found on Pinterest

Kung saan ka man naroroon ngayon, maligayang bati.

Kung ano man ang kalagayan mo ngayon at ano man ang iyong nararamdaman, inaanyayahan kitang batiin din ang iyong sarili: maligayang bati.

Hanapin ang pinaka-komportableng posisyon para sa iyo. Baka gusto mong maupo, baka nais mong mahiga, o baka gusto mo ring tumayo at maglakad. Sa minutong ito, kalimutan muna ang itsura mo, kung ano man ang iyong ninanais gawin, at kung ano man ang naghihintay sa iyo pagkatapos nito.

Sa iyong kinaroroonan, simulang palambutin ang buong katawan. Pakawalan ang tensyon at hayaan itong lumabas sa katawan unti-unti.

Huminga nang malalim. Huminga palabas.

Huminga nang malalim. Huminga palabas.

Kung maraming umiikot na ideya at emosyon sa iyong isipan ngayon, natural lang iyan. Habang tayo ay nananahimik, ang ating mga emosyon ay nagsasalita. Sa pagkakataong ito, pakinggan natin sila.

Lahat ng emosyon, ideya, gunita – hayaan natin silang dumating. Para sa ilang hiningang ito, pakiramdaman natin ang lahat, isipin natin ang lahat, alalahanin natin ang lahat. Maaaring madali lamang itong gawin, maaari ring ito ay nakakatakot. Huwag mo silang takbuhan. Huwag mo rin silang husgahan. Kilalanin mo ang takot, tuwa, galit, galak, saya, lungkot, hiya, inggit, pangamba, pasasalamat, pagmamahal, at kung ano pa man ang dumating sa iyo. Kilalanin at galangin mo sila – dahil sa kanila, nandito ka ngayon. Dahil sa kanila, nandito tayo ngayon, humihinga at nabubuhay.

Pansinin mo ang iyong paghinga. Bumibigat ba ang iyong balikat? Sumisikip ba ang iyong dibdib? Kumikirot ba ang iyong tiyan? Hinga lang. Ito ang mga damdamin mong nagpapakilala sa ‘yo.

Kung hindi pa nakasara ang iyong mga mata, inaanyayahan kitang isara mo ito ngayon.

Samahan mo ang iyong mga damdamin. Pasalamatan mo ang iyong sarili para sa lakas na iyong ipinapakita sa pagkilala sa kanila.

Huminga nang malalim. Huminga palabas.

Huminga nang malalim. Huminga palabas.

Inaanyayahan kita ngayong ilarawan ang iyong mga damdamin bilang isang tao na kaharap mo ngayon. Anong hitsura niya? Kung nahihirapan ka, maaari mong isiping kamukha mo siya. Maaari mo ring isiping siya ay isang sanggol o isang bata. Sinuman ang unang natanaw ng iyong isip, respetuhin.

Tanggapin mo ang taong ito, ang pagsasatao mo sa iyong mga damdamin. Tingnan mo siya at huminga.

Tingnan mo ang iyong mga damdamin at sabihin sa kaniya:

Paumanhin kung dati ay hindi kita kinikilala. Ngayon, kinikilala kita at nagpapasalamat ako sa pagdating mo sa aking buhay. Alam kong may dala kang aral at tinatanggap kita bilang bahagi ng aking sarili.

Sabihin sa iyong sarili: Sa panahong kasama ko ang mga damdaming ito, hindi ko sila itatakwil o pipigilan. Dahil mahal ko ang aking sarili, hahayaan ko silang kusang dumaloy sa akin hanggang matutunan ko na ang aral nila.

Huminga nang malalim. Huminga palabas.


Read more:

Leave a Reply