For any Filipinos/Filipino speakers who want to start meditating and want to listen to it in the Philippine language.
I just noticed that a lot of the guided meditations out there are solely in English and thus, not so accessible to everyone here in the Philippines. Meditation should be for everyone though, so here’s an effort to bring the practice to people more comfortable in the Filipino language 🙂
- Made especially for newbies, communities, NGOs, social enterprises, charities, and other similar groups based in the country
- Can be used in meetings, team buildings, nightly or morning rituals, or at any time needed
Please do share with anyone who you think might find it useful 🙂 If you want to get hold of the words and lead your own Filipino meditation, please see the text below.
Enjoy and if you have any feedback, I’d love to hear it. Hoping to do more of these soon so I can have more content and goodness to share in my Guided Meditations page ♥
Kung nasaan ka man ngayon, umupo at, sa iyong pagkakaupo, isipin mong ikaw ay nagpapahinga.
Maging komportable sa kung paano ka man nakaupo ngayon. Dahan-dahan mong bitawan ang anumang tensyon na naiiwan sa iyong mga paa, binti, tiyan, braso, dibdib, pati hanggang sa iyong mukha. Maari mong isara ang iyong mga mata o kaya panatilihing nakabukas, ngunit huwag tumitig sa kahit anong bagay.
Dito, huminga. Dito, magpahinga.
Hayaan mo munang dumaloy sa likod ng iyong isip ang kahit anumang dala mong emosyon o guni-guni, at simulan ngayong bigyan pansin ang paghinga paloob at palabas.
Sa iyong paghinga, sa bawat pagpasok at paglabas ng hangin sa iyong ilong, isipin mo na ikaw ay gumagaan. Tila sa bawat paghinga mo ay tumatangkad ka parang isang puno, humahaba ang iyong likod, ang iyong leeg. Sinusuportahan ka ng hanging bumubuhay sa iyo ngayon.
Sa bawat pagpasok ng hangin sa katawan, hayaang lumobo ang tiyan. Papasukin ang hangin sa bawat sulok ng bahay ng iyong katawan. At sa bawat pagbitaw naman ng hininga, isa-isang mo na ring bitawan ang mga guni-guni, pagmumuni-muni, emosyon, at pagbabalik-tanaw. Natutunan mo na ang mga bagay na kailangan mong matutunan galing dito.
Ikaw ay humihinga, at habang tumatagal, palalim nang palalim at pahaba nang pahaba ang hiningang ito.
Ang maikling oras na ito ay para sa pagkilala ng kung sino ka ngayon. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong magalak sa sarili mong kagandahan.Ikaw ay may angking katalinuhan, talento, kagandahan. Ikaw ay mahalaga. Ikaw ay nabubuhay ngayon – isa itong biyaya.
Ipagdiwang mo ang kakaiba at kay gandang sandaling ito ngayon. Wala nang ibang lugar at wala nang ibang oras kundi ito lamang. At sa oras na ito, wala ka nang ibang kailangan sapagkat lahat ng kailangan mo ay nandito ngayon. Lahat ng kailangan mo ay nasa iyo na.
Manatili sa katahimikan at pansining lalong humihinahon ang iyong katawan – ito ang pagpapasalamat sa iyo ng katawan mo, para sa oras na nilalaan mo ngayon.
Binibigyan ka ng panibagong lakas ng bawat hininga. Sariwain ang kaalamang makapangyarihan ang iyong paghinga at pag-iisip. Ipagpatuloy ang paghinga hanggang handa ka nang buksan ang iyong mga mata at mabuhay.
Read more: